mga likha ng camera ko

Blog EntryMissing AnilaoMar 26, '08 9:00 PM
for everyone
    Tsk, tsk, tsk....lumipas na naman ang isang taon na hinde ako nakakatikim ng maalat na dampi ng hangin habang naglalayag sa may anilao. May tatlong taon na rin pala akong di nagagawi sa munting sulok namin duon sa may san jose, at halos anim na taon na rin pala ng huli akong naglayag....bilis talaga ng panahon, lalo na ng makita ko yung mga photos ngayon nina mark, bel, magic, etc.----sila yung mga bata na pumupunta din dun.
    Dati, halos duon na kami tumitira, gumi-gimick, nagpapakalasing at gumagawa ng ano-ano pang wholesome activities.....tulad ng.... at ng......... etc. etc. etc.
    Late 1993 ng una kaming napadpad dito dahil sa kwento ni Glen na nuon ay nagtratrabaho pa sa wyeth. Duon sa lugar ni Vice kami unang naglagi at dun din kami unang natutung maglayag sa tulong nina Rap-rap, German, Padoy at Arlie, mga miyembro ng Philippine Boardsailing Team. Simple lang ang buhay nuon at kahit sa lamesa ,sa bubong o sa banka ay talo talo na upang matulugan. Wala pa rin kaming mga raket nuon, kaya hinde pa namin kayang bumile ng sariling board at layag kaya nagambag-ambag kami upang bumile ng amingsecond hand na "corporate board". Halinhinan sa gamit, yung nga lang minsan di maiiwasan ng ilan sa amin (di ba edsel?) ang mapadpad sa malayo lalo na kung amihan, kayat super extended ang gamit ng ilan sa payak naming "rig".
    Di nagtagal, dumami rin ang "pamilya" namin sa anilao, naksama rin namin ang mga respetableng mga doktor tulad nina Doc Willie at Doc Freddie atb. Andyan din ang mga mag-dodoktor pa lamng na sina Chuck atbp. Ang mga datihan nasina Boyet, ang mga makulit na Lazo brothers, si Albert, si Ritchie at ang mga taga wyeth, at si Jimmy at iba pang anilao boys.
    Mula sa may Pier, inilipat ang kampo sa may san jose, at duon dumami lalo ang grupo.
Sumama na rin ang mga "retiradaong" mountaineers na sina Rhoda, Jasper, Shao etc. at mga iba pang doktor at ilang kakilala.
    Mula sa isa, naging dalawa, tatlo at ngayon ay di ko na alam ang dami ng mga campo ng windsurfers sa anilao.
    Napakasaya nuon, pero di naglaon, ang iba sa amin ay umalis at duon na nanirahan sa ibang bansa, tulad nina Glen at Dave, si Odz, at iba pa. Meron din mga naging abala sa trabaho tulad ko at iba pa, yung iba naman ay sadya na lang nawala. Pero yung iba naman tulad nina doc at nina ritchie, ay patuloy pa rin ang pagpunta dun.
    Marami na siguro ang nagbago at marami na rin siguro akong di kakilala duon, pero minsan, hinahanap ko pa rin ang anilao. Isang malaking parte ito ng buhay ko kayat kung makakaluwag sana ako sa mga darating na araw ay pipilitin kong makabalik at makapaglayag muli tulad ng dati.

pinay05 wrote on Mar 27
awww... sorry baka nung wedding ko perfect day mag sail yun para sa iyo... :( well, okay lang napasaya mo naman kami ng asawa ko. :) minsan din nagpunta kami sa anilao para gumi-mick... well, di naman talaga ako lumalayag dahil takot ako sa malalim na parte ng karagatan... hehe... ayun, doon sa may dulo kung saan humahampas yung mga waves... nagpakasaya ako sa paghintay na dumating lahat ng alon... salamat naman at buhay pa kaming lahat. masaya rin!
biggsjavellana wrote on Mar 27
hahaha.Ok lang, consequnece yun ng pagiging photographer ko, na syempre mas gusto ko...tska enjoy naman kasi mag shoot sa wedding nyo ni Ken. Dati takot din ako sa malalim, pero wala na rin akong nagawa , lakas loob na lang. Eventually, no conquer ko din yung fear, so kahit gabi basta full moon, we will sail para makagimmick lang dun sa ibang resorts sa anilao.
esophoria wrote on Mar 31
Miss ko na din Anilao sobra! Tara! Anilao tayo! Inaaya ko nga din si Armin eh. Nag-resign na pala sia sa BigMak pero si Mac andon pa din. :)
Add a Comment
   
© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help